Ang Local Government Unit ng Mangaldan ay nakikiisa sa bansa sa pagdiriwang ng Autism Consciousness Week na may temang, “Autismo at Panibagong Mundo” kung saan nakatuon ito sa pagpapataas ng kamalayan sa autism at pagtulong sa kanila na makapasok sa post-pandemic pagkatapos manatili sa bahay sa mga nakaraang taon, tulad ng pag-regain ng kanilang social skills, pag-adjust sa pagbabalik eskwela, at muling pagsasama sa komunidad.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Autism Spectrum Disorder (ASD) ay isang magkakaibang grupo ng mga kondisyon. Ang mga taong may autism ay nangangailangan ng tulong sa pakikipag-ugnayan sa lipunan at komunikasyon sa iba’t ibang antas.
Ang lokal na pamahalaan naman ng bayan ay nagbibigay ng buwanang tulong pinansyal buwan-buwan sa mga taong may kapansanan (PWDs) na kabilang sa mga pamilyang mababa ang kita upang madagdagan ang kanilang mga gastusin sa gamot at pagkain.
Plano rin ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD), sa pamamagitan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO), na magsagawa ng iba’t ibang mga programa ngayong linggo alinsunod sa tema na itaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa kalagayan ng mga taong may ASD.
Ang Autism Awareness Week ay ipinagdiriwang taun-taon sa ikatlong linggo ng Enero, sa bisa ng Proclamation No. 711, na pinagtibay noong Enero 4, 1996, ni dating Pangulong Fidel Ramos. |ifmnews
Facebook Comments