Hindi pinapayagan ng lokal na pamahalaan ng Mangatarem ang pagligo at anumang water-related activities sa kahabaan ng Agno River hanggang April 21.
Ipinatupad ang direktiba upang maiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng pagkalunod sa Agno River kasunod ng inaasahang pagtitipon ng mga magsisi uwian ngayong Semana Santa.
Naglagak na rin ng karampatang signages sa bawat entry points ang tanggapan upang mapigilan ang mga magpupumilit.
Hinimok ng tanggapan ang striktong implementasyon ng kautusan para sa kaligtasan ng publiko katuwang ang mga barangay council at pwersa ng kapulisan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments