Nilinaw ng pamahalaang lokal ng Mangatarem na hindi ito nangongolekta ng anomang entrance fee sa pamosong Daang Kalikasan.
Ayon sa anunsyo ng LGU Mangatarem at ng LGU Tourism Office, walang sinumang indibidwal, grupo, o organisasyon ang pinapayagang maningil ng bayad sa sinomang nais pumunta sa lugar.
Bukod dito, muling ipinaalala na nananatiling sarado ang Daang Kalikasan sa ngayon.
Pinaalalahanan ang publiko na maging mapanuri at huwag magpaloko sa mga nagsasabing may bayad ang pagpasok sa naturang destinasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments






