LGU MAPANDAN, GINAWANG UNFORGETTABLE ANG PAGDAOS NG NATIONAL CHILDRENS CONGRESS

Sinikap gawing ‘unforgettable’ ng lokal na pamahalaan ng Mapandan ang National Children’s Congress para sa mga Early Childhood Care and Development pupils maging ang mga magulang at guro.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang adbokasiya ng bayan para sa pangangalaga, proteksyon, at patuloy na pagpapaunlad sa mga kabataan.

Iba’t ibang patimpalak ang inihanda at sinalihan ng mga bata tulad ng pag-awit at pagsayaw.

Pamamaraan rin ito upang maipamalas ang kanilang talento, tapang, at kumpiyansa sa harap ng kanilang mga magulang at kapwa mag-aaral.

Bilang bahagi ng programang pang-nutrisyon ng lokal na pamahalaan, namahagi rin ng gatas ang lokal na pamahalaan para sa lahat ng mag-aaral.

Samantala, iba’t-ibang aktibidad ang inihahanda rin sa bawat bayan sa Pangasinan na nagpupugay sa kakayahan at kapakanan ng kabataan kasunod ng National Children’s Month Celebration.
𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments