Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa Local Government Units (LGU) kaugnay ng pagbibigay ng ikalawang booster shot sa general population.
Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, ang pinahihintulutan pa lamang sa ngayon na bigyan ng second booster dose ay ang senior citizens, health workers, at immunocompromised individuals.
Nagbabala si Vergeire na mananagot ang LGUs sakaling magkaroon ng adverse events sa mga hindi pa dapat bigyan ng ikalawang booster shot.
Samantala, nilinaw ni Vergeire na bagama’t bahagyang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa, malabo aniyang magkaroon ng surge.
Facebook Comments