LGU Naga City: Diamond Awardee – Pinakamataas mula sa DepEd; Mayor John Bongat, Quality Education # Tatak Naga

Nakuha ng Naga City Local Government ang pinakamataas nagantimpala – Diamond Award – na ibinibigay ng DepEd Central Office and DepEd Region V kaugnay ng 2018 Gawad Brigada.
Ang Diamond Award ay nasungkit ng Naga City kaugnay ng institutionalized support ng lokal na pamahalaan sa programa ng DepEd na Brigada Eskwela.
Iginawad ng DepEd ang karangalan kahapon lamang October 18, 2018 sa Magallanes Colliseum sa Masbate City.
Kaugnay nito, taus-pusong pinasalamatan ni Mayor John Bongat ang Education, Scholarships and Sports Office (ESSO) sa pamumuno ni Mr. Ernani Suron, na siyang tumanggap ng award bilang representative ng alkalde.
Pinasalamatan din ni Mayor Bongat ang Naga City School Board at Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni VM Nelson Legacion. Binanggit din ng alkalde sa kanyang mensahe ang NACILGUE na pinamumnuan ni Mr. Ansel Mano dahil inadopt nila ang lahat ng public schools sa Naga City bilang Brigada beneficiaries. Kabilang din sa mga stakeholders ang PTA League, the Queen Federation at syempre pa ang DepEd Naga sa pangunguna ni Schools Division Superintendent William Gando.
Binigyang diin din ni Bongat na ang nasabing Diamond Award ay nagpapatunay lamang ng malakas na commitment ng Naga City Local Government para maisulong ang quality education. Sabi pa sa fb post ng alkalde, ito ay # Tatak Naga!!!
credit to source: fb of Mayor John Bongat


Facebook Comments