Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Naguilian ang nasabing aktibidad sa pamumuno ni Mayor Juan Capuchino katuwang ang Municipal Health Office sa pamumuno ni Dr. Maricar Capuchino.
Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang ahensya gaya ng PNP, BFP, BIR, DepEd, Naguilian Water District, Providers Multi-Purpose Cooperative, at mga barangay officials mula sa 25 na mga barangay.
Matapos ang paglilinis ay sinundan ito ng Information Drive kung saan nagbigay ng ibayo pang kaalaman ang LGU Naguilian sa publiko ukol sa Dengue at patuloy na nagpaalala sa mga hakbang para makaiwas sa nasabing sakit.
Kaugnay nito, magugunita noong isinagawa ang 10th ASEAN Health Ministers Meeting ng taong 2010 ay idineklara ang ika-15 ng Hunyo ng bawat taon bilang ASEAN Dengue Day.