LGU ng Calamba, may paalala sa mga motorista

Pinaalalahanan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Calamba ang mga motorista na magdahan-dahan lang sa pagmamaneho.

Ito’y dahil sa kapal ng alikabok na dulot ng ashfall mula sa bulkang Taal kung saan nagkakaroon ng zero visibility kapag sobrang bilis ng mga sasakyan.

Posibleng magdulot o maging sanhi ito ng aksidente lalo na’t hindi pa nasisimulan ang paglilinis sa ilang kalsada sa lungsod.


Pinakalat na rin ng lokal na pamahalaan ng Calamba ang ilang tauhan ng Traffic Managemet Division para asistihan ang mga motorista kung saan pinagkalooban sila ng goggles, n95 mask at arm sleeves.

Patuloy ring nakamonitor ang Laguna Provincial Disaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO sa sitwasyon sa pag-alburuto ng bulkang taal maging sa posibleng epekto ng Low Pressure Area na maaaring magdala ng mahinang pag-ulan.

Facebook Comments