Bukod sa mga grocery packs, namigay na din ang lokal na pamahalaan ng Las Pinas ng mga masustansyang gulay sa mga residente nito.
Ilan sa mga ito ay repolyo, patatas, sayote at kamote kung saan inangkat nila ang mga gulay sa kalapit na probinsiya at sa hilagang Luzon.
Ang naturang ideya ay upang makatulong din ang lokal na pamahalaan ng las pinas sa ilang magsasaka na apektado din ng pinapaiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Nasa mahigit 2000 na pamilya sa Barangay Manuyo Uno at E. Aldana ang narasyunan ng grocery packs habang mahigit sa 3000 na pamilya sa Golden Acres, Barangay Talon 1 at Villa Pangarap, Baranagy Talon 5 ang nabigyan na din ng tulong kung saan ang mga nasabing food packs ay inilalapag na lamang sa mga upuan na nasa tapat ng bahay ng isang residente.
Aminado ang lokal na pamahalaan na bagamat hindi nila naaabot ang ibang barangay, nagsisikap naman daw sila para mas lalong mapabilis pa ang pamamahagi ng mga food packs.
Nakikiusap sila sa mga residente ng Las Piñas na manatili sa kani-kanilang mga tahanan at ang lokal na pamahalaan na ang maghahatid ng mga relief goods.