LGU ng Mandaue, Cebu, pinaalalahanan ang mga magulang na pagbawalan ang mga kabataan na maligo sa Butuanon River tuwing umuulan

Pinaalalahanan ngayon ng lokal na pamahalaan sa Lungsod ng Mandaue ang mga magulang na huwag payagan na maligo sa Butuanon River ang kanilang mga anak, lalo na kapag umuulan, upang makaiwas sa disgrasya.

Ipinahayag ito ng Bantay Mandaue City Disaster Risk Reduction and Management Office matapos makuha sa kanilang CCTV camera ang ilang mga bata na lumalangoy sa isang bahagi ng Butuanon Rriver malapit sa Cambogaong Bridge habang bumubuhos ang malakas na ulan bandang hapon ng Huwebes, Agosto 21.

Ang Butuanon River ay delikado sa pagtaas ng tubig sa tuwing may malakas na pag-ulan, kagaya ng naranasan noong mga nakaraang araw, kung saan isang lalaki ang inanod ng malakas na tubig sa ilog at namatay.

Kahapon, ilang mga kalsada na sa lungsod ng Mandaue, kagaya ng Barangay Tipolo, ang nalubog sa baha matapos bumuhos ang malakas na ulan.

Facebook Comments