Inihayag ng Local Government Unit (LGU) ng Muntinlupa na nakatakda silang mamili ng mga testing kit para Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19).
Ayon kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, kapag nakabili na sila nga mga testing kit para COVID-19, magsasagawa naman anya sila ng mass testing sa mga residente ng kanyang lungsod.
Ang hakbang na ito anya ay kanilang ginawa dahil sa tumaas ang bilang ng kaso na nagpopositibo sa nasabing virus.
Batay sa huling tala kahapon ng Parañaque City Heath Office, nasa 12 na ang bilang ng kaso ng COVID-19, mula sa walo noong Martes, March 24 at isa na ang nasawi.
Tumaas din ang bilang ng Persons Under Investigation (PUI) na nasa 118 mula sa 72 at 204 naman ang Persons Under Monitoring (PUM) mula sa 146.
Nag ang Muntinlupa LGU ng testing area sa Ospital ng Muntinlupa kung saan doon ilalagay nabiling Polymerase Chain Reaction (PCR) machines matapos maaprobahan ng Department of Health (DOH).