Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Taguig, nag lunsad ang Lokal na Pamahalaan ng Taguig ng COVID-19 hotline.
Ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano, layunin nito na agad na mai-report ng mga residente ng Taguig kung sakaling nakararamdam sila ng mga sintomas ng COVID-19 tulad ng ubo, sipon, lagnat at hirap sa paghinga.
Maliban dito, ito ay para rin anya mapabilis ang pagresponde at makapag bigay ng real time na sagot sa mga katanungan kaugnay sa COVID-19.
Ang mga numero ng Taguig COVID-19 hotline ay 8-789-3200 para sa landline at ang cellphone number ay 0966-419-4510.
Pahayag ni Mayor Cayetano na mabilis ang paglobo ng kaso ng COVID-19 positive sa kangyang lungsod, dahil mula sa walong COVID-19 positive noong Sabado, at kahapon Linggo, isang araw lang ang nakalipas, umakyat agad ito sa labing dalawa, kung saan kahapon naitala din ang isa pang pinakabagong COVID-19 positive sa kanilang lungsod.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH) ang Taguig City ay mayroon ng labing dalawang COVID-19 positive, limang put limang Persons Under Investigation (PUI), at walo ang Persons Under Monitoring (PUM).
Kaya naman muli itong pinapaalalahanan ang mga residente ng taguig na manatili sa kanilang mga bahay para sa kanilang kaligtasan at upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing virus sa kanyang lungsod.