LGU ng Taguig, nagsagawa nga social distancing information campaign sa kanilang mga residente

Nagsagaw ng social distancing information campaign ang loakl na pamahalaan ng Taguig City sa kanilang mga residente, upang maipaliwanag ng maayos ang kahalagahan nito.

Paliwanag ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na ang social distancing ay isa sa pinakamabisang paraan upang mapigilan ang paglaganap ng coronavirus sa kanyang lungsod at kahit sa buong bansa.

Kasabay nito, patuloy naman ang pamimigay ng food packs ng lokal na pamahalaan ng Taguig sa kanilang mga residente na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Laman ng food packs ay:

  • bigas
  • canned goods
  • noodles
  • kape
  • cereal drink
  • bottled water

Sa pinaka bagong tala ng Department of Health (DOH), ang Taguig City ay mayroon ng 22 na confirmed case ng nasabing virus mula sa COVID-19 positibo noong Lunes.

Nasa 74 naman ang persons under investigation at anim naman ang persons under monitoring.

Facebook Comments