LGU, pinakikilos na ng DILG kontra 2019 nCoV-ARD

Pinakikilos na ng Department on Interior and Local Government o DILG ang mga Local Government Unit (LGU) para mapigilan ang pagkalat ng novel corona virus (nCoV) sa bansa.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya – bumuo na ng Task Force ang ilang lokal na pamahalaan para mapigilang kumalat ang virus.

Sabi pa ni Malaya, kailangang makipag-ugnayan din ng mga LGUs sa Department of Health (DOH) at sa iba pang ahensiya ng gobyerno para sa world health emergency.


Matatandaang una nang nagdeklara ng international emergency ang World Health Organization (WHO) matapos pumalo sa 361 ang bilang ng mga namamatay habang 16, 480 ang Patient Under Investigation (PUI).

Facebook Comments