LGU SAN CARLOS CITY, IGINIIT ANG KANSELASYON NG ANUMANG AKTIBIDAD KASABAY NG IPINATUTUPAD NA CLASS SUSPENSION

Iginiit ng Pamahalaang Panlungsod ng San Carlos ang kanselasyon ng anumang aktibidad ng mga estudyante tuwing nag-aanunsyo ng class suspension.

 

Ilang reklamo umano ang ipinarating sa tanggapan ukol sa hindi pagtalima ng ilang paaralan sa anunsyo na tumataliwas sa hangarin ng suspensyon ng klase para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral tuwing masama ang panahon.

 

Sa memorandum na inilabas ng alkalde, maaaring mapatawan ng legal action ang paaralan na lalabag.

 

Matatandaan na nauna nang nilinaw ng lokal na pamahalaan ang pagdududa ng ilan sa ipinapatupad na class suspension dahil ilan pa sa mga paaralan umano ang ginagamit pa bilang evacuation center at binabaha pa rin ang ilang lugar sa bayan.

 

Bukod dito, patuloy pa ang paglilinis sa ilang binahang lugar kaya hindi pa umano nakakabalik sa normal ang lungsod.

 

Tiniyak din ng tanggapan ang aktibong koordinasyon sa kagawaran ng edukasyon upang mahabol ang mga nakaligtaang aralin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments