LGU SAN CARLOS NAKAPAGTUROK NA NG HIGIT 200K NA BAKUNA LABAN SA COVID-19

Aabot na sa mahigit 270,000 doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na ng lokal na pamahalaan ng San Carlos City, dahil sa kanilang mas pinaigting na vaccination campaign.
Batay sa pinakahuling tala ng San Carlos City Health Office, 271,312 na ang kabuuang bilang ng bakunang naiturok na sa lungsod.
Kaugnay nito, umabot na sa 132, 660 ang bilang ng mga “Fully Vaccinated Individuals” sa lungsod habang umabot na rin sa 115, 571 ang bilang ng mga indibidwal na nabigyan na ng isang dose ng COVID-19 vaccine.

Samanatala, nasa dalawampu’t-lima ang binabantayang aktibong kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar na dahilan ng kanilang pagkakasama ngayon sa watchlist ng Pangasinan Provincial Health Office. | ifmnews
Facebook Comments