LGU SAN FABIAN, NAGPAALALA SA PUBLIKO NA MAGBAYAD NG TAMANG REAL PROPERTY TAXES

Nagpaalala ang Municipal Treasury Office ng San Fabian sa lahat ng may-ari ng ari-arian na bayaran na ang kanilang Real Property Taxes (RPT) para sa taong 2025–2026.

Ayon sa opisina, maaaring makakuha ng 20% discount ang mga magbabayad ng kanilang RPT hanggang Disyembre 31, 2025.

Para naman sa mga magbabayad mula Enero 1 hanggang Marso 31, 2026, may nakalaang 10% discount.

Hinikayat ng tanggapan ang publiko na samantalahin ang pagkakataong ito upang maiwasan ang penalties at makatulong sa kaunlaran ng bayan sa pamamagitan ng maagang pagbabayad ng buwis.

Bukas ang opisina para sa mga katanungan o karagdagang detalye at handang magbigay ng assistance sa mga residente.

Facebook Comments