LGU SAN FERNANDO CITY, LA UNION, PANAWAGAN ANG PROTEKSYON SA KARAPATAN NG MGA MENOR NA ATLETANG KONEKTADO SA ISANG KASO

Nananawagan ang Pamahalaang Panglungsod ng San Fernando, La Union na maging maingat sa pagkomento, pagpopost at pagpapakalat ng anumang materyal na maaaring makapagsiwalat ng pagkakilanlan ng menor de edad na atleta na konektado sa isang kaso.

Ayon sa tanggapan, mahigpit na ipinagbabawal ang naturang gawain sa ilalim ng mga batas sa bansa na naglalayong protektahan ang pang-aabuso at pananamantala sa karapatan ng isang Kabataan.

Naungkat ang usapin matapos ang balita sa pagkakaaresto ng isang coach na isinumbong ng isang manlalaro dahil sa umnao’y panghihipo habang natutulog sa paaralan na pansamantalang tinutulugan ng mga kalahok sa palaro sa General Santos City.

Naaresto rin agad ng awtoridad ang suspek at sasampahan ng kaukulang kaso.

Sa kasalukuyan, tiniyak ng tanggapan na patuloy ang ugnayan sa mga ahensya upang maibigay ang kaukulang suporta na kailangan ng biktima at ng pamilya nito.

Apela sa publiko ang pag-iwas sa pagpapakalat ng walang basehan na impormasyon upang maging maayos ang imbestigasyon ng mga awtoridad

Facebook Comments