LGU SAN MANUEL, NAGSAGAWA NG BATA-BALIK-ESKWELA CAMPAIGN

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng Bata-Balik-Eskwela Campaign ang Lokal na Pamahalaan ng San Manuel, Isabela, sa mga 4P’s beneficiaries na hindi na pumapasok sa paaralan kasama ang kanilang mga magulang.

Binigyang linaw nina Ms. Mary Grace Pineda at Mr. Renato Ignacio Jr. ang mga kalahok tungkol sa kahalagahan ng edukasyon, at tungkuling ginagampanan ng mga magulang sa pag-aaral ng kani-kanilang anak.

Hinikayat din ni Mr. Niño Barcelita na mag-enroll ulit ang mga bata sa paaralan upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga ito.


Ang isinagawang campaign ay upang mabigyan ng pansin ang mga problemang kinakaharap ng mga not-attending-school beneficiaries tulad ng maagang pagbubuntis, maagang pagtatrabaho, at pagkawala ng interest sa pag-aaral.

Facebook Comments