LGU SAN QUINTIN, PINALAKAS ANG MGA PROGRAMA PARA SA KABABAIHAN AT KABATAAN

Pinalalakas ng Lokal na Pamahalaan ng San Quintin ang mga programa para sa proteksyon ng kababaihan at kabataan sa pamamagitan ng isinagawang Local Council for the Protection of Children (LCPC) meeting.

Sa pagpupulong, iprinisenta ang kasunduan para mapagtibay pa ang child care partnership katuwang ang isang unibersidad at National Authority for Child Care (NACC).

Nagkaroon din ng oryentasyon hinggil sa saklaw ng NACC at pagbabahagi ng mga update mula sa Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC).
Layunin ng mga hakbang na ito na higit pang mapalakas ang koordinasyon at mga serbisyong magtitiyak sa kaligtasan at kapakanan ng mga kababaihan at kabataan sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments