Cauayan City – Pinalalakas ng Local Government Unit of Santiago City ang kanilang kampanya kontra rabies sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa ng libreng pagbabakuna sa mga alagang hayop.
Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan katuwang ang City Veterinary Office (CVO), ang Vaccination on Wheels ay bumibisita sa piling barangay upang bigyang-daan ang pagbibigay ng bakuna sa mga alagang aso at pusa.
Naglaan ng 10-day Mass free anti-rabies vaccination ang LGU at City Veterinary Office kung saan nagsimula na ito noong ika-17 ng Nobyembre at magtatagal hanggang sa ika-28 ng Nobyembre.
Simula ngayong araw, ika-19 ng Nobyembre hanggang sa ika-26 sila ay magtutungo sa Brgy. Rizal para magsagawa ng libreng pagbabakuna at bukas ito para sa lahat ng mga residente ng lungsod na may alagang pusa at aso.
Hinihikayat naman ang lahat na makipag-ugnayan sa mga barangay officials at sa CVO kung mayroong karagdagang katanungan hinggil sa programang ito.









