LGU TUMAUINI, PINARANGALAN BILANG MOST OUTSTANDING MUNICIPAL ACCOUNTING OFFICE

CAUAYAN CITY- Pinarangalan bilang isa sa Outstanding Accounting Offices CY 2023 ang LGU-Tumauini accounting office sa ginanap na awarding sa Convention Center, Cebu City.

Ang parangal ay iginawad ng Association of Government Accountants of the Philippines, Inc (AGAP) kung saan isa ang bayan ng Tumauini sa tatlompu’t isang awardees na nakatanggap ng naturang parangal.

Maituturing na karangalan ito sa bayan ng Tumauini dahil isa ang kanilang bayan na ginawaran mula sa 1,534 na bayan sa buong bansa.


Ipinapakita nito ang pagkakaroon ng good governance, audit opinion, accuracy, at timeliness pagdating sa CY 2023 annual financial reports.

Facebook Comments