LGU VILLASIS, HINDI MAG-IISYU NG PERMIT AT CLEARANCE SA MGA LOTE NA ILEGAL NABILI

Naglabas ng paunang abiso para sa mga mamimili ang lokal na pamahalaan ng Villasis ukol sa illegal na bentahan ng subdivided agricultural land o sakahan at gagawing residential lot o tirahan.
Iginiit ng tanggapan na kinakailangang may legal na dokumento ang may-ari o seller ng subdivided na lupa tulad ng Approved Subdivision Plan at Development Permit mula sa LGU at Certificate of Registration at License to Sell mula sa Department of Human Settlements and Urban Development.
Dagdag nito, tanging registered real estate agents o broker ang maaaring magbenta ng property.
Nanindigan ang tanggapan na hindi mag-isyu ng location o zoning clearance at iba pang permit na kinakailangan upang makapagpatayo ng gusali sa mga lupa na illegal nabili.
Hinikayat din ang publiko at iba pang ahensya ng gobyerno na ipagbigay-alam sa awtoridad sakaling may kaalaman sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments