Magsasalit salitan ang Local Government Units (LGU) at ang Department of Social Welfare & Development (DSWD) sa pamamahgi ng pagkain at iba pang essential needs sa ating mga mahihirap na kababayan
Sa Laging handa public press briefing sinabi ni DILG Under Secretary Jonathan Malaya na sa ngayon ang nakatoka sa pamamahagi ng pagkain sa mga indigent nating mga kababayan ay ang kanya kanyang LGUs
Pero sa susunod na Linggo ang DSWD naman ang bahala na mamahagi ng mga pagkain
Sinabi din nito na dapat ang mga LGUs ang magbabahay bahay nang sa gayon ay maiwasang pumila ang ating mga kababayan sa mga City Hall at Barangay Hall.
Kapag lumabas kasi ang ating mga kababayan at pumunta sa kani-kanilang mga Barangay Hall o City Hall ay hindi nasusunod ang social distancing at nawawala ang primary purpose ng gobyerno na strict home quarantine para hindi na kumalat pa ang COVID-19.