LGUs, binigyan na ng deadline para tapusin ang pag-e-encode ng mga fully vaccinated individuals sa central database ng DICT

Binigyan na ng deadline ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga Local Government Unit (LGU) para bilisan ang pag-e-encode ng mga fully vaccinated individuals sa database system ng pamahalaan.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Health (DOH) Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroon na lamang hanggang katapusan ngayong buwan ang mga LGUs para tapusin ang pag-e-encode ng mga fully vaccinated individuals sa Vaccine Information Management System (VIMS) ng DICT.

Ang nasabing central database aniya ay gagamitin para sa beripikasyon ng status ng mga indibiduwal na nabakunahan na ng COVID-19 sa bansa.


Una na ring kumpirma sa interview ng RMN Manila ni Department of Tourism (DOT) Sec. Bernadette Romulo-Puyat na ready na sa susunod na buwan ang central database ng DICT kung saan may QR code ang mga fully vaccinated individuals na hindi mape-peke.

Facebook Comments