LGUs binigyan ng hanggang ngayong araw ng IATF para umapela hinggil sa ilalabas na panibagong quarantine classifications sa ilang mga lugar sa bansa

Mayroon hanggang ngayong araw ang mga Local Government Unit (LGU) upang umapela sa kanilang magiging quarantine classifiaction.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque kasunod nang mapapasong quarantine classification bukas July 15, 2021 ng ilang mga lugar sa bansa.

Ayon kay Roque magpupulong pa ang IATF upang i-discuss ang mga pending appeals ng mga LGU.


Sa oras na magkaroon na ng pinal na desisyon ay kanya na itong iaanunsyo sa publiko.

Nabatid na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) with some restrictions ang Metro Manila, Bulacan at Rizal habang sakop naman ng GCQ with heightened restrictions ang Laguna at Cavite.

21 mga lalawigan naman sa bansa ang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quaratine hanggang bukas.

Giit ng kalihim kabilang sa mga indicators na kanilang isasaalang-alang sa pagdedesisyon ng susunod na quarantine classification ay ang daily attack rate, two-week daily average attack rate, at ang critical care capacity.

Facebook Comments