Dapat na bigyan ng bigyan ng flexibility ang mga Local Government Unit (LGU) na magpatupad ng sarili nilang quarantine protocols para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Ito ang iginiit ni Senador Panfilo “Ping” Lacson kasunod ng pag-angal ng maraming LGU sa mga idinidiktang polisiya ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ang iba anila’y hindi na akma at praktikal sa kanilang sitwasyon.
Aniya, mas alam ng mga alkalde at gobernador ang sitwasyon sa kanilang lugar kaya makatwiran lang na hayaan silang dumiskarte.
Bukod dito, may mga patakaran din umano ng IATF na nais nang baguhin ng mga miyembro pero kinokontra naman ng mga consultant ni Health Secretary Francisco Duque III.
Matatandaang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Cebu province na sumunod sa testing at quarantine protocols ng IATF matapos na magpatupad ng sariling swab test-upon-arrival policy ang lalawigan para sa mga returning OFWs.