Suportado ni Committee on Basic Education Arts and Culture Chairman Senador Win Gatchalian ang planong bakunahan ang mga menor de edad kontra COVID-19.
Naniniwala si Gatchalian na makatutulong ito sa pagbabalik-normal sa sektor ng edukasyon at sa ligtas na pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral.
Kaugnay nito ay pinaghahanda na ni Gatchalian ang Local Government Units (LGU) para sa pagpapabakuna ng mga kabataan.
Ayon kay Gatchalian, bahagi ng paghahanda ng LGUs ang pagpapakilos sa health workers hanggang sa lebel ng barangay.
Mungkahi ng senador, dapat ding maging katuwang ng LGUs ang mga paaralan sa programa ng pagbabakuna, lalo na sa pagbibigay impormasyon sa pagiging ligtas at mabisa ng mga bakuna.
Facebook Comments