LGUs, dapat may ‘substitute list’ ng mga makatatangap ng COVID-19 vaccine – DOH

Pinaghahanda ng Department of Health (DOH) ang mga Local Government Unit (LGU) ng ‘substitute list’ ng babakunahan para maiwasan ang wastage o pagkasayang ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, pwedeng mangyari ang pagkasayang ng mga bakuna kung ang taong beneficiary nito ay biglang nag-back out.

Aniya, sensitibo rin sa temperature at mas maikli sa pangkaraniwang bakuna ang shelf life ng COVID-19 vaccine kaya dapat iwasan na masayang ito dahil sa kawalan ng paghahanda.


Maliban dito, sinabi ng kalihim na dapat ay mayroong generator ang mga cold storage na pag-iimbakan ng mga bakuna at tiyaking propesyunal ang hahawak nito.

Inaasahan naman ng pamahalaan na matatapos na bago ang Pebrero 15 ang master list ng mga frontline health worker na prayoridad na mabigyan ng bakuna.

Facebook Comments