Ipinanawagan ng League of Provinces of the Philippines na dapat munang konsultahin ang bawat Local Government Units bago magpadala ng mga bakuna.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Marinduque Governor at LPP President Presbitero Velasco Jr., na ito kasi ang nagiging problema ng mga LGU’s kung kaya’t minsan ay nagkukulang ang kanilang supply ng COVID-19 vaccines.
Kaugnay nito, hindi rin aniya nagrereklamo ang mga local chief executives dahil humihingi lamang sila ng pabor sa national government lalo na’t hindi pa dumarating ang mga bakunang inorder ng mga LGU.
Una nang nanawagan si Iloilo City Mayor Jerry Treñas ng karagdagang supply ng bakuna lalo na’t nakakaranas sila ngayon ng surge sa COVID-19.
Facebook Comments