LGUs, hinihingian ng listahan ng mga prayoridad sa bibigyan ng ikalawang booster dose

Nanghihingi ang Department of Health (DOH) sa mga lokal na pamahalaan ng listahan ng kailangang mabigyan agad ng booster dose ng COVID-19.

Layon nito na matiyak na magiging maayos ang proseso ng pagbibigay ng ikalawang booster shot.

Partikular sa mga itinuturing na immunocompromised individuals tulad ng mga sumailalim sa organ-transplant, cancer-patients at mga pasyenteng may HIV-Infection.


Kahapon, umarangkada na sa ilang ospital sa Metro Manila ang pagtuturok ng ikalawang booster dose ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments