Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Units (LGUs) na ipagpatuloy ang COVID-19 vaccination kahit na magsisimula na ang pangangampanya ng mga lokal na kandidato.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, huwag sanang mapabayaan ang bakunahan sa pagsisimula ng lokal na pangangampanya sa Marso 25.
Aniya, may mga lugar sa bansa ang hindi pa maibaba sa Alert Level 1 dahil hindi pa naaabot ang 70% vaccination rate.
Nauna nang sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Co-Chair Dr. Kezia Lorraine Rosario na plano ng gobyerno na magsagawa ng mga espesyal na araw ng pagbabakuna sa mga lugar na may mababang vaccination rate kabilang ang Cebu, BARMM, at ilang lugar sa Region 12.
Facebook Comments