LGUs, hinimok ng DILG na ipakita ang kanilang pagkamuhi sa mga gawain ng CPP-NPA-NDF

Hinihikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng Local Government Units (LGUs) at iba pang organisasyon na ipakita ang kanilang disgusto sa mga gawain ng CPP-NPA-NDF.

Ito’y sa pamamagitan ng paglalagay ng tarpaulins at billboards na may mga mensahe na hindi kinokonsente ng taumbayan ang kanilang paghahasik ng terorismo at gawaing kriminal.

Ayon kay DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, aabot na 20,085 LGUs sa buong bansa ang naglabas ng resolusyon na nagdedeklara sa CPP-NPA-NDF na Persona-Non-Grata sa kanilang lugar.


Sa National Capital Region, ang Mandaluyong City at Muntinlupa City pa lamang ang nagpasa ng resolusyon laban sa mga ito .

Dati nang may nakasabit na mga tarpaulins at banners na nagdedeklara sa kanila bilang Persona Non Grata sa Roxas Boulevard at iba pang lugar sa Metro Manila.

Wala umanong nakitang masama ang DILG sa paglalagay ng mga tarpaulin o mga mensahe dahil ito ay protektado bilang malayang pagpapahayag sa ilalim ng Konstitusyon.

Una nang ideneklara bilang terrorist trganization ang CPP-NPA-NDF sa bansa sa pamamagitan ng Proclamation 374 series of 2017 maging ng iba pang bansa tulad ng Estados Unidos, New Zealand, UK, Australia at European Union .

Facebook Comments