LGUs, ikinabahala ang pagtaas ng COVID-19 cases sa kanilang lugar dahil sa pagbalik ng LSIs

FILE PHOTO

Ikinabahala ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar dahil sa pagbalik ng Locally Stranded Individuals (LSIs).

Kaugnay nito, hinikayat ni League of Provinces National President at Marinduque Governor Presbitero Velasco ang gobyerno na i-require na sumailalim sa COVID-19 testing ang mga LSI bago umuwi sa kanilang probinsya.

Paliwanag pa ni Velasco, patuloy silang tatanggap ng mga LSI pero iginiit na dapat sundin ang nakalagay sa National Task Force Guidelines on the Management of LSIs kung saan dapat may medical certificate na nagpapatunay na sila ay negatibo sa virus.


Kailangan din nilang makapagpakita ng travel authority mula sa pinaggalingang lugar bilang patunay na pinayagan silang bumiyahe.

Samantala, hindi pa rin pinahihintulutan ng ilang lalawigan ang pagpasok ng mga non-Authorized Persons Outside Residence (APOR) at ng mga LSI sa kanilang lugar.

Facebook Comments