Manila, Philippines – Pinabubuo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Units ng smoke-free task forces.
Ayon kay DILG Assistant Secretary for Plans and Programs Epimaco Densing III, layon nitong maayos na maipatupad ang Nationwide Smoking Ban o ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Aniya, ang task force ang siyang magiging tagapamahala sa paghuli sa mga lalabag sa smoking ban.
Makikipag-ugnayan naman aniya ang task force sa PNP para masigurong maayos ang pag-aresto sa mga lalabag rito.
Hinimok rin ng DILG ang publiko na isumbong sa mga otoridad ang mga indibidwal na naninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Facebook Comments