Maaari pa rin tumulong ang mga LGUs sa pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program ng pamahalaan sa mga marginalized sector ng lipunan.
Ayon kay Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, pwede kasi silang ideputized ng Department of Social Welfare & Development.
Paliwanag nito, kapag nadeputized na ang isang LGU, kinakailangan nilang tumugon sa guidelines ng National Gov’t at agarang magpasa ng liquidation kung papaano nila ipinamahagi ang pera.
Pero ang National Gov’t na sa pangunguna ng DSWD ang syang magmanando sa pagpapamudmod ng limang libo hanggang walong libong piso para sa 18.5 milyong pamilyang lubos na apektado ng COVID-19.
Sinabi ni Nograles, nais lamang matiyak at masiguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mapupulitika ang pamamahagi ng Financial Assistance ng National Government sa mga mahihirap nating mga kababayan at hindi ito maibubulsa ng ilang tiwaling opisyal.