Maaaring ipagkatiwala sa mga local chief executive at local government units (LGUs) ang pamamahagi ng financial assistance sa National Capital Region (NCR) Plus para sa mga matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista, isa sa positibong bagay na kanilang natutunan mula sa pamamahagi ng ayuda ay maaasahan ang mga LGUs sa paghahatid ng social protection services sa mga mahihirap na pamilya.
“Based on experience, if we will trace back on the last special assistance provided in the NCR Plus bubble, nakita natin na very reliable on the perspective ng DSWD, very reliable na ang (that the) transfer of funds will be directly to the local government units because they know the situation on the ground at kilala nila ang mga beneficiaries,” ani Bautista.
Ang DSWD, Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of National Defense (DND) ay mayroong team para i-monitor ang pamamahagi ng ayuda ng mga LGU.
Sa datos ng DILG, aabot sa 22.9 million low-income individuals sa NCR plus nakatanggap na ng kanilang financial assistance.