LGUs, mahalaga ang papel sa pamamahagi ng ayuda – DSWD

Binigyang-diin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mahalaga ang papel ng Local Government Units (LGU) sa pagpapatupad ng social protection programs sa gitna ng pandemya.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, nakikipag-coordinate sila sa mga LGU para matiyak na naihahatid ang kinakailangang tulong sa vulnerable sectors tulad ng senior citizens.

Nagpaalala si Bautista sa mga senior na magpadala na lamang ng kanilang kinatawan para kunin ang ayuda mula sa DSWD.


Ang mga kinatawan ng senior citizens ay kailangang magsumite ng certification na nagpapatunay na siya ay awtorisado o binigyan ng pahintulot na i-claim ang ayuda.

Nagpapatupad din ang DSWD ng house-to-house delivery scheme sa mga lugar na nasa ilalim ng lockdown.

Nasa ₱8.5 billion na social pension ay naipaabot na sa mga indigent senior citizens sa buong bansa.

Aabot naman sa ₱1.9 billion na cash assistance ang naipaabot sa mga distressed individuals sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Facebook Comments