LGUs muling pinaalalahanan ng IATF hinggil sa kanilang mandato ngayong umiiral ang enhanced community quarantine

Muli ngang kinalampag ng Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases ang mga LGUs

Ayon kay IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles ang bawat LGUs ay inaatasang siguraduhin na matutugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan tulad ng transportasyon at mga pangunahing pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Gayundin ang pagtukoy sa kanilang mga tauhan na maaaring makipagtulungan sa gobyerno upang ma-trace, ma-assess, at ma-monitor ang mga PUMs at PUIs at ang pag-isyu ng Certificate of Completion ng 14-Day Quarantine sa pamamagitan ng kanilang mga Local Health Units at panghuli ang patuloy na pag disinfect sa kani-kanilang mga lugar.


Matatandaang sa public address ni Pangulong Rodrigo Kagabi nagbabala ito sa mga mananamantala ng sitwasyon.

Ayon sa Pangulo kapag nadiskubre at napatunayan nyang pinopolitika at dinidivert ang mga ayudang pagkain at pera sa mga hindi naman nararapat ay mananagot ang mga ito at ora mismong ipakukulong at papalabasin kapag natapos na ang krisis sa COVID-19.

Facebook Comments