LGUs muling pinaalalahanan ng IATF na wag maglalabas ng kautusan na taliwas sa kanilang patakaran

Tinawagan ng pansin ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga local government unit sa mga ipinatutupad na patakaran  hinggil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sinabi ni IATF Spokesman Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, na hindi dapat nag iisyu ng mga kautusan o ordinansa ang mga lgu na taliwas sa inilabas na patakaran ng IATF, pangunahin na rito ang usapin ng ECQ.

Binigyang diin ni Nograles sa mga Mayor at Gobernador na hindi kasali sa 14day quarantine period  ang mga driver, pahinante ng mga cargo at trak  ng mga pagkain  at mga manggagawa sa agricultural at food production sa layuning magtuloy tuloy ang pasok sa metro manila ng mga suplay ng pagkain at iba pang basic essentials tulad ng medical supplies.


Maging ang mga OFW na nabigyan na ng clearance o sertipikasyon ng DOH at iba pang LGUs na nagsasabing natapos na nila ang 14 day quarantine ay dapat aniyang hindi pinipigilang makauwi sa kani kanilang tahanan at pamilya.

Ang pangangalampag na ito ng iatf sa mga LGUs ay bunsod na rin ng mga hindi pa rin matigil na mga insidente ng pagpigil sa mga frontliners sa mga checkpoint.

Facebook Comments