LGUs na lumagda na sa kasunduan para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino program, umaabot na sa 122

Maging ang lalawigan ng Quezon ay sumali na rin sa dumaraming lokal na pamahalaan na nais makiisa sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino program.

Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), pinirmahan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at 31 mga lokal na pamahalaan kasama ang provincial government ng Quezon ang memoranda of understanding para sa programa kahapon.

Ayon sa PCO, ito ang pinakamalaking kasunduang nalagdaan para sa programa na umaabot na ngayon lahat sa 122 mga Local Government Unit (LGU) sa buong bansa.


Kasabay nito ang hinimok ng Palasyo sa iba pang LGUs na makiisa sa programang pabahay ng gobyerno.

Ito anila ay sagot sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos para sa whole of government approach para matugunan ang backlog na ngayon ay umaabot na sa 6.5 milyong housing units.

Facebook Comments