LGUs na nag-oobliga sa mga manggagawa na magpa-rapid test bago bumalik sa trabaho, kakausapin ng DILG

Nakikipag-ugnayan na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Unit para paliwanagan hinggil sa pagsasagawa ng rapid test sa kanilang mga manggagawa.

Nag-ugat ito makaraang lumabas ang ilang reklamo na may mga LGU na ginagawang requirement sa kanilang lugar ang pagpapasailalim muna sa mga empleyado sa rapid test bago sila payagang makabalik sa trabaho.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi tama na gawing requirement ng mga LGU ang rapid testing sa mga manggagawa kundi dapat ito ay boluntaryo.


Magkagayunman, kung ang mga employer aniya ang may gusto na maisailalim sa rapid test ang kanilang mga empleyado nang hindi pagbabayarin ang mga ito, welcome naman ito sa Inter-Agency Task Force (IATF) at hindi nila ito pipigilan.

Facebook Comments