LGUs, naghahanda na para sa pag-arangkada ng national vaccination sa susunod na buwan

Naghahanda na rin ang Local Government Units (LGUs) para sa inaasahang pagsisimula ng national vaccination sa Pebrero.

Sa interview ng RMN Manila kay Manila Mayor Isko Morena, sinabi nito na nakahanda na ang kanilang cold storage facility para sa mga bibilhing bakuna.

Bukod rito, sinabi ni Moreno na pinaplantsa na rin ng Technical Working Group ang deployment o pagbibigay ng bakuna sa mga residente ng Maynila.


Aniya, isang simulation ang isasagawa ngayong araw upang malaman at masolusyunan ang mga posibleng kaharaping problema sakaling i-roll-out na ang COVID-19 vaccination program.

Bukod sa Manila City, naka-ready na rin ang sariling cold storage facility para sa COVID-19 vaccine ng Marikina City Government.

Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, nasa 900 hanggang 1,000 vial ng vaccine ang kayang iimbak sa kanilang mga vaccine refrigerator.

Facebook Comments