Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga lokal na pamahalaan na iisang brand ng bakuna lamang ang dapat gamitin sa isang partikular na vaccination site upang maiwasan ang kalituhan.
Ang paalala ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire ay para hindi na maulit ang posibilidad na maiturok ang magkaibang brand ng bakuna sa isang tao.
Sinabi ni Vergeire na sa ngayon ay hinihintay pa nila ang resulta ng imbestigasyon sa mga lugar na nagkaroon ng pagkakahalo ng bakuna bagama’t nakipag-ugnayan na sila sa regional offices para sa kailangang pag-iingat.
Una nang naiulat ang aksidenteng pagkakaturok ng ibang brand ng bakuna para sa 2nd dose sa Davao at Mandaluyong City.
Facebook Comments