Papalapit na ang July 25 na deadline ng pagpaparehistro ng SIM cards alinsunod sa SIM Registration Law mula sa unang itinakdang deadline nito noong Abril.
Kaya naman, panawagan ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa mga lokal na pamahalaan, tulungan ang mga public telecommunication entities o PTEs na mairehistro ang marami pang SIM cards.
Base sa datus ng National Telecommunication Commission (NTC, nitong July 6 ay nakarehistro na ang 60.75% sa mahigit 168 million na SIM cards na ibinenta sa bansa.
Diin ni Villafuerte, kailangang makamit ang target na bilang ng irerehistrong SIM cards upang matupad ang layunin ng batas na maproteksyunan ang mamamayan laban sa mga panloloko at iba pang krimen.
Tiwala si Villafuerte, na ang implementasyon ng batas ay tutuldok sa paggamit sa mga phone o SIM cards sa paggawa ng kahit anong ilegal na aktibidad.