LGUs SA PANGASINAN, KAISA SA PATULOY NA PAGTATAGUYOD NG CLIMATE RESILIENCE

Kaisa ang lahat ng apatnapu’t-walong (48) mga lokal na pamahalaan sa Pangasinan sa patuloy na pagtataguyod ng iba’t-ibang mga aksyon upang maibsan at malabanan ang epekto ng Climate Change

Pinuri ng Climate Change Commission (CCC) ang lalawigan matapos nakapagsumite at magcomply ang lahat ng LGUs ng kanilang Local Climate Change Action Plan o LCCAP.

Mas pinaigting din sa probinsya ang disaster response and preparedness sa pamamagitan ng ibinababang kaalaman at pagsasanay sa mga komunidad sa lalawigan upang matututukan ang mga ito sa banta ng anumang uri ng sakuna.

Patuloy namang hinihikayat ang mga Pangasinense na makipag-ugnayan dahil malaking papel din ang gampanin at pakikiisa ng mga ito upang maiwas ang mga residente sa mga peligrong maidudulot ng kalamidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments