LGUs, sinisikap na maipamahagi ng mabilis ang ayuda sa NCR Plus – DSWD

Ipinagtanggol ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga Local Government Units (LGUs) matapos ulanin ng reklamo dahil sa mabagal na distribusyon ng one-time financial aid ng pamahalaan sa mga low-income individuals na apektado ng mahigpit na lockdown sa NCR Plus.

Depensa ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao, ginagawa na ng mga LGUs ang kanilang mga makakaya para maipaabot ang ayuda sa kanilang mga kababayan.

Pero kailangan aniya ring ikonsidera ang mga hamon at sitwasyon sa iba’t ibang komunidad.


Pagtitiyak ng DSWD na mahigpit nilang binabantayan ang pagpapatupad ng cash aid program para sa 22.9 million low-income beneficiaries sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Facebook Comments