Suportado ng Local Government Units (LGUs) mula sa Southern Luzon ang mungkahi ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, na ‘Balik-Probinsya’ programs pagkatapos ng krisis dulot ng COVID-19.
Layon ng “Balik-Probinsya’ programs na paluwagin ang Metro Manila kasabay nang pagpapalakas ng kaunlaran sa ibang mga rehiyon, kasabay ng pakikiisa at pagtalima ng mga ahensya ng gobyerno maging ng pribadong sektor.
Unang ipinunto ng senador na kailangan nang paghandaan ng gobyerno ang susunod na hakbang para makatugon ang bansa sa “new normal” matapos ang COVID-19 crisis.
Ito ay matapos mabatid na ang pagkakaroon ng napakalaking populasyon sa mga komunidad sa Metro Manila ang siyang nagpapabilis sa pagkalat ng infectious diseases tulad ng COVID-19 at nagpahina naman sa kakayahan ng gobyerno sa pag-ayuda sa lahat ng apektadong mamayan.
Ipinunto rin ni Go, na siyang Chair ng Senate Committee on Health and Demography, na 70% ng COVID-19 cases sa bansa ay nasa Metro Manila at ang madalas na problema ilang dekada na ang nagdaan ay ang mabigat na bilang ng populasyon sa mga komunidad.
Maging ang Pangulong Duterte ay suportado ang programa lalo nat ang Department of Trade and Industry (DTI) ay tiniyak na magkakaloob sila ng insintibo sa mga negosyo na magbubukas sa mga probinsya, bukod pa sa financial assistance at abot-kayang pautang sa mga nais magbukas ng Micro, Small or Medium Enterprises (MSMEs) sa mga lalawigan.
Una na ring ipinunto ni Go na sa kabila nang lumalagong ekonomiya, ipinunto ni Go na ang Pilipinas ay nananatiling pinakamalawak na agricultural country na ang iba ay nakatiwangwang na lupa sa mga kanayunan na maaring gawing sakahan.