Liability ng Magat Dam operators mahirap mapatunayan ayon sa Palasyo

Naniniwala ang Palasyo na mahirap mapatunayan na may pananagutan ang Magat Dam operators sa pagpapakawala ng tubig dahilan para lumubog sa baha ang halos buong Cagayan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kinakailangang mapatunayan ng mga maghahain ng kaso laban sa Magat Dam operators na ang pagpapakawala ng tubig mula rito ang pangunahing dahilan ng malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela provinces.

Maliban kasi sa pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam, ang illegal mining at deforestation ang mga tinitingnang sanhi ng massive floodings sa lugar.


Paliwanag pa ng kalihim, “let’s give it the benefit of the doubt, dahil tila mahirap talagang mapatunayang may pananagutan sa ngayon ang dam operators.”

Una nang nagbanta ang lokal na pamahalaan ng Cagayan na itutuloy nila ang paghahain ng reklamo laban sa Magat Dam operators.

Facebook Comments