Liaison Officer ng ISIS sa Abu Sayyaf Group napatay ng militar sa patikul Sulu

Nasawi ang Liaison Officer ng ISIS sa Abu Sayyaf Group matapos na makipag engkwentro sa tropa ng 1st Scout Ranger Batallion sa Sitio Tubig Amu Brgy Tanum Patikul Sulu kahapon.

Ayon kay Lt Col Gerald  Monfort, tagapagsalita ng Joint Task Force Sulu ang nasawing  terorista ay si Talha Jumsah alyas Abu Talha.

Si Abu Talha ay ISIS trained ID expert na nagsisilbing instructor ng Abu Sayyaf Group sa paggawa ng bomba at kung paano maging suicide bomber.


Nagsisilbi rin itong Finance Officer at Liaison Officer sa Foreign and Local Terrorist Communication Lines.

Nakasagupa ng militar ang grupo ng mga terorista matapos na magbigay ng impormasyon ang mga sibilyan sa lugar.

Narekober ang bangkay ni Abu Talha ngayong umaga ( November 23, 2019), 800 Metro ang layo mula sa pinangyarihan ng engkwentro.

Facebook Comments